SANA naman ay mapagbigyan ng korte ang apela ng mga mahal nating senador na sina Jinggoy Estrada at Bong Revilla na masilip nila at mabigyan ng huling respeto ang yumaong ninong at tatay-tatayan nilang si Kuya Germs Moreno.
Sa Thursday na ilalagak sa huling hantungan ang mastershowman at nagnanais sina papa Jinggoy at papa Bong na makidalamhati sa pamilya nito at mga kaibigan sa showbiz.
Minsan naming nakasabay noon si Kuya Germs sa pagdalaw sa kulungan nina Senador Jinggoy at Bong kaya’t alam naming malapit sila rito at talagang nalulungkot din sila sa pagyao nito.
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus