NAG-TEXT kami kay Mommy Chat, ang butihing ina ni Pauleen Luna para kumuha ng detalye tungkol sa nalalapit na kasal ng kanyang panganay kay Vic Sotto.
Tinanong namin siya kung anong date nitong January ang kasal ni Pauleen at kung saan ito gaganapin? Pero sa reply sa amin ni mommy Chat, humingi siya ng pasensya dahil hindi raw niya masasabi sa amin kung saan gaganapin ang kasal.
Ayaw daw kasi nila ‘yun ipaalam sa publiko. Ang gusto raw kasi nina Pauleen at Vic ay talagang maging private lang ang kasal na hindi ito maging parang isang carnaval na maraming tao ang pupunta at mag-uusisa.
Pero ang date naman ng kasal ay sinabi sa amin ni mommy Chat at ‘yun daw ay sa January 30 magaganap.
MA at PA – Rommel Placente