Pedro: Alam mo, ‘yung pusa namin, kahit naka-lagay sa mesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain!
Juan: Maniwala ako?!
Pedro: Totoo!
Juan: Ano ba ang ulam n’yo?
Pedro: Asin!
***
Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
Teacher – Ano etong nakatagong papel sa kamay mo?
Student – Mam, prayers ko lang po ‘yan.
Teacher – E, bat may mga sagot dito?
Student – Ha? Naku, sinagot na ang prayers ko!
***
Patient: Dok, malungkot dito sa mental kaya naisipan kong sulatan ang sarili ko…
Doc: E ano naman ang laman ng sulat mo?
Patient: ‘Di ko pa po alam kasi next week ko pa ‘ata matatangap…
***
Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.
Pedro: What is more important? Heart or Mind?
Juan: Spanish!!!
***
Teacher: Juan i-English mo eto.
Juan: Wat mam?
Teacher: Ang uwak ay hinang-hinang naglakad
Juan: “The wak wak weak weak wok wok…”