Aries (April 18-May 13) Ang dakong umaga ang pinaka-kritikal na period ng araw na ito.
Taurus (May 13-June 21) Ito na ang tamang sandali ng pagbubuo ng pinal na konklusiyon kaugnay sa long-lasting creative projects.
Gemini (June 21-July 20) May magaganap na paborableng pagbabago sa domestic life at family relations.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kung nais na maging payapa at nagkakaisa sa tahanan, maaaring kailangan ng tagapamagitan.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) May ilang mga tao na magkakaloob sa iyo ng mga bagay na iyong kailangan. Huwag silang kalilimutan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Sa puntong ito, titindi pa ang pagnanais na magkaroon ng pagbabago sa iyong buhay.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Kailangan mong pansamantalang mapag-isa upang mabuo ang nararapat na desisyon kaugnay sa mahalagang bagay.
Scorpio (Nov. 23-29) Ikonsidera rin ang panig ng partner kaugnay sa pagbubuo ng mga desisyon kaugnay sa pamilya.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mainam ang sandaling ito para sa friendly get-together, o pakikipag-bonding sa pamilya.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Higit na lalakas ang iyong kompiyansa dahil sa suporta ng mga kaibigan at pamilya.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Hindi ka mag-iisa. Palaging nandyan ang iyong pamilya at mga kaibigan.
Pisces (March 11-April 18) Matagumpay mong malulusutan ang nasuungang mahirap na sitwasyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Tutulungan ka ng mga planeta na higit pang maunawaan ang iyong mga adhikain sa buhay.
ni Lady Dee