This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
MATAPOS i-disqualified ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division si Sen. Grace Poe dahil sa kakapusan ng araw sa kanyang paninirahan sa bansa, biglang rumepeke ng pagtuturo si Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Hindi raw siya naniniwalang si UNA presidential bet Jejomar Binay ang nasa likod ng disqualification ng Comelec kay Sen. Grace.
Mas itinuturo ni Chiz ang kampo ni Mar Roxas.
Naniniwala si Chiz na mas may kapasidad umano ang kampo ni Mar na gumawa nang ganitong operasyon laban sa kandidatong hindi nawawala sa No. 1 sa iba’t ibang survey.
Tingin natin ay walang saysay ang pagsasalita at mga pagbibintang ni Sen. Chiz.
Ang pagbibintang ay mahinang depensa.
Mas dapat na mag-isip kung paano nila ipapanalo sa Supreme Court ang disqualification laban kay Sen. Grace.
Kung kompiyansa ang kampo nina Sen. Grace at Sen. Chiz na kompleto ang mga dokumentong ipinasa nila sa Comelec, trabaho na ng mga abogado nila ‘yan.
Tigilan na ni Chiz ang pagiging ‘Boy Turo’ dahil lalo lamang nauubos ang oras ng kanyang ‘Presidente’ sa kasasagot sa mga bagay na hindi naman niya dapat sagutin.
Alam nating malaking krisis ito para sa isang kandidato sa panguluhan kaya nga dapat na maging mas matalas kung paano ito sasagutin.
Hindi kailangang ‘nagsasalita’ lahat, dapat may nag-iisip at may gumagawa rin.
Huwag nang agawan ng papel ni Chiz si Grace, kasi hindi naman siya ang presidentiable.
O ‘di ba naman?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com