Unopposed si Parañaque Mayor Edwin Olivarez

edwin olivarezHINDI pa man nag-uumpisa ang kampanyahan para sa Mayo ay tapos na agad ang eleksiyon sa Parañaque City.

Dahil sa maayos na serbisyo, walang tumapat kay Mayor Edwin Olivarez.

At hindi na tayo nagtataka rito.

Iba ang track record ni Mayor Edwin Olivarez. Winalis niya kung ano mang track records mayroon ang mga nagdaang mayor sa kanilang lungsod.

Mula sa batayang serbisyo  gaya ng kalusugan at edukasyon, walang mairereklamo ang kanyang constituents.

 Tax collections? Siya lang ang mayor na nagparamdam  sa kanyang mga kababayan na ang buwis na kanilang binabayaran ay muling bumabalik sa maga taga-Parañaque sa pamamagitan ng mabuting serbisyo.

Ano pa ang hahanapin ng constituents kung ang Mayor ay complete?!

‘Yan ang dahilan kung bakit walang naglakas-loob na lumaban.

‘Yan si Mayor Edwin Olivarez!      

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com