Wednesday , November 20 2024

Coincidences sa buhay nina BI Commissioner Fred Mison & Ms. Valerie Concepcion

mison valerieHABANG pinag-uusapan sa main office ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila ang pagbiyahe ni Commissioner Siegfred Mison sa Estados Unidos (dahil nga ba sa kanyang pagiging US Green Card Holder?) bigla namang kumalat sa Instagram account (v_concepcion) ni Ms. Valerie Concepcion na patungo rin siyang US of A.

Ang nasabing post ay nitong nakaraang Agosto 20 (Huwebes) na ipinakikita ang kanyang pasaporte at ang PAL business class ticket patungong USA.

Ipinakita rin ni Ms. Valerie sa kanyang Instagram ang pair of earrings na genuine London blue topaz danglers na siya umanong birth stone niya.

Hindi rin itinago ni Ms. Valerie ang kanyang feelings dahil ganito ang nakalagay sa kanyang Instagram, “I’m a Happy Girl!” kasama ang mga hashtag na #birthdaymonth #sagittarius #december #bluetopaz #birthstone, #diamonds #jewelrywithmeaning at iba pa.

Pero ang higit na pinag-usapan dito, ‘yung kuwestiyon na coincidence lang ba na naunang nagbiyahe si Mison sa US at kasunod si Ms. Valerie?

Sabi kasi ni Ms. Valerie , wala silang relasyon ni Mison kundi SPECIAL FRIEND lamang.

Matagal na kasing natsi-tsismis na may relasyon ang dalawa pero ayaw naman nilang aminin dahil ang balita, ayaw umano ng mga anak ni Commissioner Mison sa kanyang lady apple of the eyes.

How sad naman…

Pero one time, sinabi ni Miso ‘este’ Mison sa isang Immigration Officer na nahe-hurt na daw kanyang Lady love Valerie sa mga issues na nasusulat  sa kanila.

How caring naman pala ni Mison…

Nabalitaan din natin na nainis yata ang ex-misis ni Commissioner ‘green card holder’ Mison, dahil maging ang pangalan niya ay nakakaladkad sa mga ‘pa-kyut release’ as in press release ng aktres na wala naman masyadong racket ngayon sa showbiz pero talagang living in style nowadays.

Aba, halos 80k rin ang business class ticket to US of A. At can afford na sa mga mamahaling jewelry si lola. Courtesy kaya ni Atty. ‘tirador’ Domeng-ago ‘yan???

Higit sa lahat, ayaw na ayaw umano ng ex-misis na isa palang de-kalibreng abogado ang makaladkad sa kontrobersiya ang kanyang mga anak na kilalang nag-aaral sa mga respetadong unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Kung sa Immigration ay pinag-uusapan ang pag-aasikaso  umano ni Mison sa kanyang status bilang Green Card Holder sa ‘Tate, sa showbusiness naman ay pinag-uusapan kung magpapakasal na nga ba sila ni Ms. Valerie sa Tate?!

Nauna raw nagtungo si Mison sa Amerika na sinasabing mayroong official business doon.

Ngunit marami ang nagtatanong na hindi kaya posibleng ang pagsunod ni Valerie sa Amerika ay nangangahulugan ng pagpapakasal ng dalawa?

Mantakin n’yo naman, kung hindi importante kay Ms. Valerie ang US trip na ito — naka-busines class pa siya.

‘E kung tayo nagkakamali posibleng abutin ng P80K to P90K ang airfare sa business class.

Kung kailan pa hindi masyadong aktibo sa showbiz si Ms. Valerie ‘e ngayon pa napagkikita na mukha na siyang richie-richie girl.

Hindi kaya totoo ang huntahan na ikakasal si Ms. Valerie sa US habang si Mison naman ay mag-aasikaso ng kanyang Green Card?!

Alin kaya sa dalawa?

Abangan ang susunod na posting sa Instagram ni Ms.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *