Ako po ay 32 at malimit ay wala akong gana sa sex, ano kaya ang dapat kong gawin?
0921-2726726
Sa iyo 0921-2726726,
Una, ask yourself bakit wala kang gana sa sex, alamin ang dahilan bakit ito nangyayari. Baka naman ‘stress’ lang ‘yan. Makatutulong kung magpahinga nang sapat, kumain ng masusustansiya at regular na mag-ehersisyo. Makatutulong iyan upang maging aktibo ang iyong dugo maging ang iyong mga ugat.
Ngayon kung sa palagay mo ay nagawa mo na ang lahat pero ‘wa pa rin epekto, magpakonsulta sa espesyalista, sila ang higit na makatutulong sa iyo.
Sexy Leslie,
Okay lang bang pagpantasyahan ko ang kapitbahay ko, kasi ang sexy niya talaga lalo kapag naka-maiksing short at lumalabas ng bahay nang hindi nagba-bra.
ST
Sa iyo ST,
Lahat ay may kalayaang gawin ang kanilang nais, hangga’t hindi ka namemerhuwisyo ng kapwa, bakit hindi! Total pagnanasa lang naman pala at ikaw din naman ang magbabalikat sa dulot na kiliti niyan.