This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
NAWALA lang si dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief, Gen. Benjie Magalong nagkaroon na ng ‘voluntary’ bagmen at ikot-tong?!
Walang ganyan si Gen. Magalong noong nakaupo siyang CIDG director!
Ang mga nagtatalaga sa sarili nila bilang ‘voluntary’ BAGMEN at IKOT-TONG ay nag-meeting pa sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, para pag-usapan ang hatian ng teritoryo, nang walang kaalam-alam si newly appointed CIDG chief, Gen. Victor Deona.
Aba, ibang klase raw ang kumpas ng isang alyas KLYDE FERNANDEZ, itinuturong dating operator ng jueteng sa Pangasinan, na para bang awtorisadong-awtorisado kung makipag-meeting kina alias JORGE BWENO kilalang operator ng mga KTV/CLUB cum putahan sa Quezon City with sidelights na bola jueteng sa loob ng club niya; ROMIE TOLENTINO, JHUN PULO, nagpapakilalang barangay kawatan ‘este kagawad sa Quezon City; at isang alyas MANONG na nagpapakilala namang ex-pulis.
Saan o kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha at lakas ng loob itong sina KLYDE, BWENO, ROMIE, Jun Pulo at Manong at parang kayang-kaya nilang paikutin si Gen. Deona?!
Hindi sila nakaporma kay Gen. Magalong kaya gustong subukan si Gen. Deona?!
Paging PNP chief, DG Ricardo Marquez!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com