NAIA transport solicitors behave kay AGM Jesus Descanzo!

NAIA T3 taxiNAGKAROON pala ng chilling effect sa mga tauhan ng transport sa NAIA ang naisulat natin hinggil sa ginagawa umanong ‘pagkalkal’ sa mga nakahimlay nang ‘bad records’ ng ilang taga-transport services sa NAIA.

Sa pahayag ng ilang mga ‘solicitor’ at ‘commissioner’ ng mga transport concessionaire, lubhang nag-iingat na anila sila ngayon sa kanilang kilos at pakikitungo sa mga pasahero.

Anila, baka umano bigla na lamang silang ‘damputin’ na parang basura sa arrival curbside sakaling magkamali ng pananalita at kilos sa kanilang trabaho.

Sa puntong ito, mukhang mas madali palang ayusin ang hanay ng mga tauhan ng transport group sa NAIA kung ang gagamitin ay media network tulad ng ating ginawang pag-e-expose?

 At least ay ‘di na masyadong mahihirapan si MIAA Asst. General Manager for Security and Emergency Services (AGMSES), ret. General Jesus Descanzo para sa information dissemination. O, ‘di ba, Sir?

Basta ang importante ay maging smooth sailing ang takbo ng buhay sa hanay ng transportation sector ng NAIA ay walang problema ang mga personnel nito kay General Descanzo.

Aprub!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com