Monday , December 23 2024

Laban ni Ayong Maliksi vs jueteng… i-push mo ‘yan Chairman!

042215 PCSO ayong maliksiNANINIWALA tayo na ang operation ng National Bureau of Investigation (NBI) base sa sumbong ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Ayong Maliksi ay hindi isang operation pakilala.

Naniniwala ang inyong lingkod na ito ay pagpapatuloy sa inihayag na laban ni dating PSCO chairman Margie Juico laban sa jueteng pero sa hindi malamang dahilan ay wala rin nangyari.

Masasabi nating mabigat na rin ang pinasimulang laban ni Chairman Ayong ngayon dahil pinuruhan niya ang mga area kung saan konsentrado ang jueteng operation ng sinasabing gambling lord na si Bong Pineda.

Matagal nang iminungkahi ni dating chairwoman Juico na palitan na ang pangalan ng Small Town Lottery (STL) sa Loterya ng Bayan.

Ang layunin daw niyan ay upang wakasan ang paggamit ng mga gambling lord sa STL bilang prente ng jueteng lalo sa kanilang mga baluarte.

Nakapagtataka nga naman na pagkarami-raming tumataya sa STL pero kakaunti lang ang pumapasok sa kaban ng PCSO.

Pero sa mismong sistema kasi ng STL ay mayroong nasilip na kahinaan ang mga gambling lord. Kung P10 ang taya sa isang kombinasyong numero sa jueteng ay P3, P5 at pwede pa ngang piso.

Mantakin ninyong ang P10 ay pwedeng 2 hanggang 4 na kombinasyon ng numero?! ‘E ‘di sa jueteng na lang sila tataya?!

Ibig natin sabihin, hindi lamang dapat panghuhuli o pagsalakay sa mga tukoy na kuta ng gambling lords ang dapat gawin ng PCSO.

Kailangan din sigurong ayusin ang sistema mismo ng palaro ng STL at ‘yung mismong prangkisa.

Anyway, alam nating yakang-yakang ni Chairman Ayong ‘yan…

Huwag lang sana siyang masalisihan ng mga mahilig sa oplan pakilala.

Push mo ‘yan Chairman Ayong Maliksi!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *