Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, napagod sa pagsabak sa horror

UNANG sabak sa horror film ni Meg Imperial ang pelikulang Chain Mail na showing sa July 22. Mas nakakapagod daw itong gawin at exhausted kaysa magpa-sexy. Parang gusto na raw niyang magpahinga buong araw after mag-shoot nito.

Naniniwala si Meg sa chain–letter /chain mail dahil noong high school sila ay ipinapasa niya ito para hindi siya malasin o baka may masamang mangyari sa kanya. Takot din siyang putulin ang chain letter.

Kasama ni Meg sa horror flick na Chain Mail sina Shy Carlos, AJ Muhlach, Khaleb Santos, Mark Bautista, Jackie Lou Blanco, John Regala, at may at may special participation siNadine Lustre. Produced by Viva Films at idinirehe ni Adolfo B. Alix, Jr..

Ang Chain Mail ay bumabalot sa misteryo at pagkamatay ng ilang tao na hinihinalang pinadalhan at nakatanggap ng isang chain mail. Pinaniniwalaan na may dalang sumpa sa mga makakabasa at isasawalang bahala ito.

Sa presscon ng naturang pelikula ay hindi pa rin maiwasang itanong kay Meg ang naudlot nilang romansa ni JM De Guzman. Naniniwala siya na may tamang lalaki na darating sa buhay niya kaya hinayaan na lang niyang magkabalikan sina JM at Jessy Mendiola.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …