LOLA: Iho, ako ay isinumpa. Isa akong prinsesa. Kung ako ay iyong hahalikan ng 15 minuto babalik ako sa maganda kong anyo at tulu-yang mapuputol ang sumpa.
(Makaraan ang 15 mins…)
LALAKI: ‘Yan, tapos na. Bakit ‘di ka pa rin nagpapalit ng anyo?!
LOLA: Ilang taon ka na iho?
LALAKI: 30 na ho.
LOLA: ‘Yang tanda mong ‘yan naniniwala ka pa sa fairy tale?
HAHAHAAHAHAHA!
***
NOON – Minahal ka niya nang walang dahilan!
NGAYON – Iniwan ka niya nang walang dahilan!
***
BF: May gift ako sa iyo!
Nakikita mo ba ‘yung new car na nakapark?
GF: OMG! Babe yes nakikita ko!
BF: Binili kita ng tsinelas ganyan ang kulay.