Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Buhay, patay sa panaginip (2)

 

00 PanaginipAng panaginip ukol sa patay ay maaaring babala na ikaw ay naiimpluwensiyahan ng mga taong negatibo at ikaw ay nakikihalubilo sa mga maling grupo ng indibidwal. Ang ganitong uri ng panaginip ay maaari rin namang isang paraan upang maresobla ang mga nararamdaman sa mga namayapa na. Alternatively, ang ganitong uri ng panaginip ay sumisimbolo sa material loss. Kung ang napanaginipan mong tao ay matagal nang namayapa, ito ay nagsasaad na ang kasalukuyang situation o relationship sa iyong buhay ay may pagkakahawig sa napanaginipan mong namayapa na. Maaaring may kaugnayan ang iyong napanaginipan, kung paano mo iha-handle o hahawakan ang isang relasyon o kung paano mo hahayaang mamatay o magtapos na ito. Posible rin namang ang ganitong panaginip ay nagre-represent ng iyong takot na muling mawala ang mahal sa buhay, o kaya naman, isang paraan upang matanggap ang trahedyang ito o mga trahedyang nararanasan sa buhay. Ito ay maaaring paraan din upang magsilbing huling pagkakataon upang makapagpa-alam sa mga mahal sa buhay na namayapa na.

Ang pag-iyak naman ay maaaring nagsasaad ng pag-release ng negative emotions na may kaugnayan sa sitwasyong ikaw ay gising. Ang luha ay nagpapakita ng compassion, emotional healing, at spiritual cleansing. Alternatively, ito rin ay maaaring nagsasaad ng sakit at kabiguan. Ang iyong panaginip ay isang paraan upang manumbalik ang ilang emotional balance at isang paraan na rin upang ligtas na mailabas ang iyong takot at kabiguan. Sa ating pang-araw-araw na buhay, may mga pagkakataong hindi natin napapansin, itinatanggi, o kinukuyom natin ang ating mga damdamin. Pero kapag tayo ay nasa kalagayang tulog, ang ating defense mechanisms ay hindi na nagbabantay kaya nagkakaroon ng pagkakataon na mai-release ang ganitong mga emosyon.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …