Sunday , December 22 2024

Good guys in bad guys out sa Immigration? (Tell it to the Marines!) Serious ba talaga… sa dishonesty?

misonBUTATA na naman ang paboritong slogan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na, “Good Guys In, Bad Guys Out” mismo sa sarili niyang praktis.

Mismong mga taga-Immigration ay ‘nahihiya’ na raw sa garapalang pagkagahaman ng kanilang Commissioner sa benepisyong hindi naman nararapat sa kanya?

Mantakin ninyo, maraming empleyado ng Immigration ang karapat-dapat na makatanggap ng “overtime pay” pero ‘yung iba ay tinanggalan ni Mison.

Pero sa huling kaganapan sa bureau, may nagsampa ng kaso sa Ombudsman (na naman!?) dahil kumukubra pala siya ng P75,000 a month overtime pay?!

What the fact!?

Kanino ba nanghihiram ng kapal ng mukha ang ganitong klaseng government official? (Attention Justice Secretary Leila De Lima!)

Tanong nga ng mga taga-BI main office, “nawalan na ba ng delicadeza si Mison?”

Maliwanag naman sa batas, na ang maitatalagang commissioner sa nasabing Bureau ay hindi maaaring tumanggap ng overtime pay.

Abogado si Mison, at nagtuturo pa ng batas kaya imposibleng hindi niya alam ang ganyang policy.

Kung inyo pong matatandaan, dati na rin siyang inireklamo sa Ombudsman dahil ipinakakarga niya sa Bureau maging ang gasoline at parking fee na hindi naman ginamit sa opisyal at rehistradong sasakyan niya bilang associate commissioner.

Ayon sa ilang eksperto sa batas na nakakausap natin, masuwerte pa nga si Mison dahil sa hatol na  ‘serious dishonesty’ ay ini-reprimand lang siya ng Ombudsman.

‘E ‘yung ganyang kaso pala ay madalas ang parusa ay DISMISSAL FROM THE SERVICE?!

At hindi na kailanman maia-appoint sa anumang position sa gobyerno.

Tsk tsk tsk…

Sa totoo lang, nakanenerbiyos na ang itinutulak na slogan ni Mison na “Good Guys In, Bad Guys Out.”

Nakanenerbiyos dahil ang nagsusulong nito ay isang opisyal ng gobyerno, na supposedly ay mayroong mahusay na intuition o kapasidad na timbangin kung ano ang tama at mali, pero mas tumitingkad ang katangian niyang mapaglabag sa mga batas at tamang asal ng isang nasa awtoridad.

Tama po ba ‘yan, Secretary Leila De Lima!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *