Aries (April 18-May 13) Kung saan-saan ka na naghuhukay para sa kasagutang nasa tungke lamang pala ng iyong ilong.
Taurus (May 13-June 21) Sabihin sa players ang eksaktong iyong nais. Sa puntong ito, ikaw ang maglalatag ng mga patakaran.
Gemini (June 21-July 20) Walang istupidong mga katanungan, ngunit dapat mong pakinggang mabuti ang bawa’t kasagutan.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ikaw ay masyadong nag-iingat sa motibo ng ibang tao. Medyo mag-relax ka naman.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ano ba ang gumugulo sa iyong isipan? Mas magiging malinaw ang iyong pag-iisip kung io-organisa mo ang iyong damdamin.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang iyong karisma ay lalo pang titindi kung sasabihin mo lamang ang mga nararapat.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Hindi ka nag-o-overreact. Manindigan sa iyong paniniwala.
Scorpio (Nov. 23-29) Maging mapili. Hindi mo kailangang umoo sa bawa’t imbitasyon. Paghintayin mo sila.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maging flexible. Mag-adjust sa temperaments ng iba. At huwag pepersonalin ang mga bagay.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Kung nakalimutan mong magdala ng payong, kailangan matuto kang iwasan ang patak ng ulan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kapag sumapit ka na sa pader, huwag sumuko at umatras. Akyatin mo ito.
Pisces (March 11-April 18) Naglalakbay kang walang dalang mapa. Ano ba ang iyong final destination?
ni Lady Dee