Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB vs Alaska sa Panabo City

 

NAPAKASUWERTE naman ng mga taga-Panabo City sa Davao del Norte.

Biruin mong ang maghaharap sa kanilang bayan bukas ay ang San Miguel Beer at Alaska Milk!

Ito ang top two teams sa kasalukuyang PBA Governors Cup at parehong may twice-to-beat advantage na ang mga ito sa quarterfinal round.

Magandang resbak ito para sa dalawang koponang nagtagpo sa best-of-seven Finals ng Philippine Cup.

Umabot sa sukdulan ang labang iyon at nagtagumpay ang Beermen.

Pero matapos na magkampeon sa Philippine Cup ay lumaylay ang laro ng San Miguel Beer sa Commissioner’s Cup at hindi sila nakarating sa quarterfinals. Biruin mong natalo pa sila sa mga expansion franchises na KIA Carnival at Blackwater Elite.

Ganoon kasama ang kanilang naging performance.

Ito namang Alaska Milk ay umabot sa quarterfinals pero nakaharap ng Star Hotshots na namayani ng dalawang beses. Tsugi din ang Aces.

So, kapiraso lang talaga ang naging improvement ng Alaska Milk sa San Miguel Beer sa Commissioner’s Cup.

Pero dito sa Governors Cup ay tila nakabawi na sila nang tuluyan. At kung magtutuluy-tuloy ang ganda ng kanilang performance, aba’y puwedeng magkaroon ng Part II ang kanilang championship encounter.

Kaya nga napakasuwerte ng mga taga-Panabo City. Biruin mong parang preview of the Finals ang kanilang masasaksihan!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arellano NCAA cheerleading

Arellano, wagi sa ika-7 sunod na titulo sa NCAA cheerleading

PATULOY ang paghahari ng Arellano University sa NCAA cheerleading competition matapos nitong masungkit ang ika-pitong …

Spikers Turf Voleyball

King Crunchers Target back-to-back win, Spin Doctors gustong makabawi

Mga Laro sa Biyernes 1 n.h. – VNS vs AEP-Cabstars 3 n.h. – 3B vs …

PSC POC Pato Gregorio Bambol Tolentino

POC inilunsad SEA Plus Youth Games

INILUNSAD ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, ang isang bagong palaro na …

World Surf League WSL PSC

WSL, PSC nagkaisa para sa 2 international surfing events sa PH sa 2026-2027

ANG mga event sa Cloud 9 at La Union ay itinaas sa international status sa loob ng …

AFC Womens Asian Cup 2006 Football

Pilipinas haharap sa Iran sa gitna ng tensiyong political

GOLD COAST, Queensland — Haharap ang Philippine women’s football team sa Iran ngayong Linggo sa …