UNCUT – Alex Brosas .
NAIYAK daw si Jasmine Curtis Smith nang isnabin siya ng kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion nang magkita sila sa isang event.
Na-hurt ang younger sister ni Anne Curtis sa pang-iisnab sa kanya ni Sam kaya naman nagpunta ito sa comfort room para roon mag-iiyak.
Ikaw naman kasi ang may kasalanan, Jasmine. Ikaw ang nakipaghiwalay, na-hurt si Sam sa ginawa mo, so ini-expect mo pa bang batiin ka niya.
Kasi naman, mas pinili mo ang ate mong si Anne kaya iyan ang napala mo. Magdusa ka! Hindi mo ipinaglaban si Sam.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
