Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, may fund raising para sa Kasuso Foundation

061515 Ogie Diaz kasuso

00 Alam mo na NonieDAPAT suportahan ang fund raising show na Moment Ko To! (Laff-Laffan na ‘To!) na gaganapin sa Area 05 sa June 25, 2015 (Thursday), 7 PM. Tampok dito sina Arnell Ignacio, Jayson Gainza, Alex Calleja, Arpie Patriarca, Beverly Salviejo, Dyosa Pockoh, at Jobert Austria.

Ito ay hatid ng very lovable na si Ogie Diaz na isa sa nagtataguyod at opisyales ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. or Kasuso Foundation. Si Ogie rin ang tatayong host ng naturang event na tiyak na magiging riot sa entertainment, lalo na sa katatawanan.

Ayon sa post ni Ogie sa Facebook, “Nako, pag nakanood kayo nito, nag-enjoy na kayo, na-tulungan nyo pa ang breast cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc. or Kasuso Foundation na nasa East Ave Medical Center. Kanya-kanyang moment on stage sina Bighead Abiad Gainza, Alex Calleja, Bebang Salviejo, Arnell Arevalo Ignacio, Arpie Patriarca, Francis Valle Suayan (Dyosa Pockoh), Jobert Austria, hosted by yours truly.

“15-minute funny moment/tsika on stage ang drama ng bawat isa. P600 lang ang entrance fee para sa 2-hour kanya-kanyang emowt. PM me if you wanna help, sponsor or buy tickets, ha? Sige na, pls. Pa-help naman. Hehehe.”

Ang Area 05 ay located sa 3rd floor Bellagio Square Building, Morato, Quezon City (dating Ratsky). For tickets, pls. text or tumawag sa 09178822773.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …