Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Napanaginipan ang ex

 

00 PanaginipDear Señor,

Paki intepret po sana, nagtataka kasi ako dahil napanaginip ko ‘yung ex ko e pareho nman kaming may asawa na, just kol me Uge from Malabon, thank u po sir… pls don’t post my cp#

Dear Uge,

Base sa iyong panaginip, ito ay posibleng may kaugnayan o babala na ang dating kabiguan at sakit na sinapit o naranasan sa piling ng ex mo ay maaaring mangyari ulit ngayon. Ang anumang natutunan sa iyong pakikipagrelasyon sa kanya ay dapat mong i-apply sa iyong asawa upang hindi na maulit ang kabiguang naranasan dati. Dapat mong ma-satisfy ang iyong emotional needs at ang inner turmoil ay maresolba. Maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nagsilbing trigger kaya mo siya napanaginipan. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, regalong galing sa kanya, mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad na sitwasyon o halimbawa. Kung ganito ang sitwasyon, walang dapat ipag-alala dahil iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan. Posible rin namang may mga sitwasyon noon sa inyo ng ex mo ang gusto mong mangyari sa inyo ng asawa mo ngayon, kaya siya pumapasok sa isipan mo. Kumbaga, nagkakaroon ng comparison sa ex mo at sa iyong asawa ngayon, kaya siya lumalabas sa iyong bungang-tulog. Maaari rin na hindi ka masaya o satisfy sa inyong relasyon ng asawa mo, kaya pumapasok sa iyong sub-conscious ang dating karelasyon kahit hindi mo ito talaga gusto, at lumalabas nga siya sa iyong panaginip. Subalit kung wala naman ang mga elementong ito at mahal mo naman ang iyong asawa, huwag mo nang isipin ang panaginip mong ito dahil maaaring ito ay nagkataon lamang bunsod ng ilang mga elemento o bagay na wala kang kontrol, subalit wala naman talagang direktang significance sa iyo ang napanaginipan mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …