INIHAYAG ng isang 19-anyos dalagita na naliligo siya sa dugo ng baboy upang hindi tumanda.
Si Chanel, isang freelance model at aktres, ay isa sa stars ng MTV’s True Life: I’m Obsessed With Staying Young.
Ipinaliwanag ni Chanel sa kanyang lola na si Lois, pakiramdam niya ay nagawa na ito ng mga tao libo-libong taon na ang nakararaan at napanatili nilang bata ang kanilang katawan.
Hindi naniwala si Lois kaya humingi ng patunay, gayonman ay walang maibigay si Chanel.
“I’m sorry my grandmother is worried about my health, but now that I’m this close to my blood bath, I can’t stop.”
(THE HUFFINGTON POST)