Hi Gud morning,
Ask ko lng po ano ibig sbhng ng tubig sa panaginip ko? (09185529724)
To 09185529724,
Kapag nanaginip ng tubig, ito ay simbolo ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay buhay at ang living essence of the psyche at ng daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung kalmado at malinis ang tubig, ito ay nagpapakita na ikaw ay in tune sa iyong spirituality. Ang bungang-tulog hinggil sa tubig ay may kaugnayan din sa serenity, peace of mind, at rejuvenation. Kung marumi at maputik naman ang nakitang tubig sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad na ikaw ay nagtatampisaw sa iyong negatibong emosyon. Kailangan kang maglaan ng sapat na oras upang mabago ito at makatagpo ng internal peace. Alternatively, ito ay nagsasaad na ang iyong thinking/judgment ay hindi malinaw at nakukulapulan.
Nagsasaad din ang bungang tulog mo ng iyong panlabas na pananaw hinggil sa iyong sarili o pagkatao. Ipinapakita rito ang kilos o galaw mo sa harap ng ibang tao. Kailangang magmuni-muni o balikan ang mga nakalipas upang mas maintindihan ang mensahe ng iyong panaginip. Dapat din na huwag maging padalos-dalos sa bawat desisyong gagawin. Lagi kang magtiwala sa iyong sarili, sa kabutihan, at sa kapangyarihan ng Diyos.
Señor H.