Saturday , January 4 2025

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-18 labas)

00 kuwentoGabi-gabi ay dala na ni Lily sa pag-uwi ang limang daang pisong badyet sa kanyang pagrampa at pagbibilad ng katawan. Kaya lang, sa dami ng kanilang mga utang at pangangailangan sa bahay ay halos nagdaraan lang iyon sa palad niya. Sulsol nga sa kanya ng isang kasamahang dancer-mo-del: “Magpateybol ka sa mga kostumer para hindi baryang-barya ang maiuwi mo.” Kapag nalalambutsing daw ang mga kalalakihan na nagbubumabad sa club ay mas nagiging galante. Baka wala pa raw sa kalahati ng magiging tip niya sa pagteybol ang limang daang pisong ibinabayad sa kanyang pagrampa gabi-gabi. “Ano ba naman ‘yung halik-halikan ka… O hipu-hipuan… Wala ‘yun. Makukuha ‘yun sa paligo, ‘Te.”

Dala na rin ng kagipitan ay madaling nakumbinsi si Lily na makipagteybol sa mga kalalakihan. At dahil sa angkin niyang ganda, kinis at kaseksihan ay marami sa mga regular na parokyano ng club ang ihing-ihing maka-partner siya sa VIP room. Noon nagsimulang magkalaman ng lilibohin ang wallet niya. Nagkaroon siya ng kakayahang bumili ng mamahaling gamit at damit. Unti-unti na rin nakatikim ng bahagyang kaginhawahan ang Mommy at Daddy niya, na bagama’t nagsasawalang-kibo ay batid niyang unang-unang nasasaktan sa kinasadlakan ng kanyang kapalaran. Siya man bilang tao, lalo’t bilang isang babae, sa pag-uwi niyang mag-isa sa gabi ay nakadarama siya ng panliliit ng sarili. Su-gatan ang buo niyang pagkatao at tuluyan nang nahubaran ng dangal. Sa simula ay itinangis niya iyon. Pero sa kalaunan ay tumigas at naging manhid ang kanyang puso. Kinasuklaman niya ang mga makamundong kalalakihan at ang mga manga-ngalakal na ikinokomersiyo ang mga kababaihan.

Takam na takam sa katawan ni Lily ang marami sa mga nagiging kostumer ng club. Kaya siguro paborito siyang iteybol ng mga masasalaping kalalakihan. Maganda nga kasi siya at mahubog ang katawan. At bago lang siya roon. Pero sa isip ay nilalait at minumura niya ang mga tulo-laway na kostumer sa sandali ng kanyang mga pag-indak-indak sa entablado.

“Sige, maglaway kayo… manigas kayo r’yan!” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

 

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *