Thursday , June 4 2026

11-anyos totoy utas sa kalabaw

030715 carabao kalabaw

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 11-anyos batang lalaki makaraan magbigti sa tali ng kalabaw at nakaladkad nang magwala ang hayop habang nakasakay ang biktima kamakalawa sa Brgy. Biak na Bato, bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan.

Sa naantalang ulat na tinanggap ni Bulacan Police Director, Senior Supt. Ferdinand Divina, kinilala ang biktimang si Albert Tolentino, grade 5 pupil, at residente sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakasakay ang biktima sa kalabaw na si Inong nang biglang magwala nang makakita ng kapwa niya barakong kalabaw na tinangkang habulin.

Bunsod nito, nahulog ang biktima, pumulupot sa kanyang leeg ang lubid at nalakadkad ng kalabaw nang 20 minuto.

Agad sinaklolohan ng mga nakakita ang biktima at isinugod sa San Miguel District Hospital ngunit hindi na umabot nang buhay.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …