BAGAMA’T animo’y fantastic animal rendition ng Jasmine’s magic carpet ride mula sa Disney’s classic Aladdin, ang larawan ay tunay ngunit ang kwento sa likod nito ay nakalulungkot.
Kuha ni Martin Le-May, isang hobby photographer sa East London, ang nasabing larawan sa Hornchurch Country Park.
Ayon kay Le-May, naglalakad siya sa park kasama ng kanyang misis nang makita niya ang dalawang hayop habang nagpapambuno. Nang lumipad ang ibon, umangkas ang maliit na mammal sa likod nito, at sa puntong iyon niya nakunan ng larawan.
Mahilig ang mga weasel sa pagkubkob ng mga pugad, ngunit sa puntong iyon ay ang mismong woodpecker ang kanyang puntirya.
“The woodpecker left with its life. The weasel just disappeared into the long grass, hungry,” pahayag ni Le-May. (http://www.boredpanda.com)