Monday , January 6 2025

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-16 labas)

00 kuwentoAng kinikita naman ng Mommy Sally niya sa pamamasukang labandera-plantsadora sa isang pamilyang may kaya-kaya sa buhay ay halos kulang pang pambili ng gamot nito sa sakit na diabetes. Bukod sa pagkakasa-kit, dahil na rin siguro sa mabibigat na isipin kung kaya parehong nangayayat ang kanyang mga magulang. Kabi-kabila kasi ang utang nila sa ilang tindahan sa kanilang paligid. Halos sumala silang mag-anak sa pagkain. At lagi silang napuputulan ng serbisyo ng koryente. Sa gayong sitwasyon ay danas na danas niya mismo ang epekto ng kanilang kahirapan. Hindi niya magamit ang computer sa pagsusulat. Ni wala si-yang maipambili ng sanitary napkin. At hayun, natulog siyang kapeng 3-in-1 lamang ang laman ng tiyan.

Wala siyang karapatan na magreklamo sa kanyang Mommy at Daddy. Wala kasi siyang naibabahaging pera sa kanilang bahay para sa mga gastusin sa araw-araw. At hindi rin naman nagrereklamo ang kanyang mga magulang kahit pwedeng-pwede na sana siyang maghanapbuhay at maging kabalikat sa ilang responsibilidad. Gayunpaman, sa isang sulok ng kanyang utak ay tila kinukulit-kulit siya ng sarili. “Kawawa naman sina Mommy at Daddy… Magtrabaho ka na, Lily!” ang paulit-ulit na idinidikta ng isip niya.

Pinasyalan ni Lily sa parlor ang kaibi-gan niyang si Bambie. Sa kanilang pagku-kuwentohan ay nasakyan agad nito ang kanyang pakay. Payag na siyang maging dancer-model ng club ng kostumer nitong manager niyon. Naikatuwiran niya sa baklitang beautician sa kanyang pagbabagong-isip: “Basta’t hanggang sa pagiging dancer-model lang ako. At hindi ako magpapa-take-out sa mga kostumer na instant joy ang hanap, ha?”

“Hay, naku, bes! Nasa sa ‘yo na ‘yun… Kung talagang ayaw mo ay walang makapipilit sa ‘yo,” ang mataray na sagot sa kanya ni Bambie.

Minek-apan siya ng kaibigang beautician. Pinahiram ng magagara at mamaha-ling mga kasuotan. Lalong lumutang ang kanyang kagandahan at kaseksihan.

“Puwedeng-puwede ang friend mo, ‘Day,” sabi kay Bambie ng manager ng club na kabilang din sa pederasyon ng mga “berde ang dugo.”

(Itutuloy)

 

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *