Thursday , June 4 2026

Utang ng PH lumobo sa P5.664-T (P2.5-B loan sa France tinanggap ni PNoy)

022815_FRONTUMABOT na sa P5.664 trilyon ang utang ng Filipinas makaraan tanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang 50-M euro o P2.5-B loan na inialok ni French President Francois Hollande para ipantustos sa kampanya ng bansa kontra climate change.

Kinompirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang 50-M euro loan mula France bilang pondo para bigyan proteksyon ang mga lugar sa bansa na apektado ng climate change.

Ngunit, ani Valte, wala pang detalye kung anong mga paritkular na proyekto mapupunta ang panibagong P2.5-B loan.

Batay sa ulat ng Bangko SEntral ng Pilipinas (BSP), noong nakaraang taon ay nasa P5.632 trilyon ang outstanding debt ng Filipinas kaya may P56,320 utang ang bawat Filipino base sa populasyon ng bansa na 100 milyon.

Nagtungo si Hollande kahapon sa Guian, Eastern Samar, isa sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong 2013.

 

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …