Tuesday , April 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga amateur na Senador

00 Palipad hangin Arnold ataderoITO ang analysis ng political observers sa nakaraang pagbanat kay Vice President Jejomar Binay ng kating- kating mga senador na sina Koko Pimentel, Peter Cayetano at Antonio Trillanes kuno ay mga ill-gotten wealth ng nasabing opisyal. Halos ibato na nila ang buong kitchen sink para gibain nang todo-todo si VP Binay. Aminin man at hindi, nasaktan din si Binay sa mga banat sa kanya na pinangunahan ng talunang politikong sina dating Makati Vice Mayor Mercado at Atty. Bondal, kapwa talunan sa nakaraang election sa siyudad.

Lubhang matitindi ang banat pero kaya lang mahirap patunayan kung halimbawa mang totoo, nasaan ang paper trail, hindi naman puwedeng pulos allegation. Ito ay bibilhin ng taong bayan, but in the long run magtatanong din ang mga knowledgeable na political observers at analysts ng ganito “Where is the smokin’ gun?”

Hindi naman tatanggapin maging ng Ombudsman kahit pa siya ay perceived na bias laban sa kampo ni Binay kung kulang sa substance tulad na lang ng 350-hectare na hacienda sa Batangas. Wala iyong smoking gun kahit nandoon pa ang nasabing hacienda.

Pero sa observation ng mga political analyst, masyadong maaga iyong pasabog kuno ng mga talunan na mga lokal na politikong sina Mercado at Bondal. Kung ito raw ay pinasabog sa kalahatian ng taon na ito in the run-up to 2016 presidential elections baka kagatin pa ng mga botante.

Tulad ngayon, may banta na naman na may pasabog pa silang bomba kuno laban kay Binay. Pero iyong pinakamalalakas na allegation nila inuna na, pagpapakita nila na kaya nilang gibain politically si Binay. Momentarily lang na nayanig si Binay. Fully recovered na. Ibig bang sabihin ire-recyle nina Trillanes, Pimentel at Catyetano na pawang may mga ax to grind against Binay (e di mas lalo na sina Mercado at Bondal). Malabo nang kagatin ito ng mga botante na hindi naman mga TAN-G-A.

Truly the handiwork of amateurs in politics.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …