Thursday , June 4 2026

Obrero kritikal sa saksak ni kompadre

090814 knifeKRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero makaraan saksakin ng nag-amok na kompare habang nag-iinoman sa binyagan kamakalawa ng gabi sa Ma-labon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Stephen Justo, 35, ng 167 M. H. Del Pilar St., Brgy. Tinejeros ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod.

Habang pinaghahanap ang suspek na si Jonito Rondina, nasa hustong gulang, residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng na-sabing lungsod.

Batay sa ulat ni SPO1 Ananias Birad, dakong 7:10 p.m. nang maganap ang insidente sa Sitio 6 ng nasabing barangay.

Masayang nag-iinoman ang mga bisita sa binyagan nang biglang magwala ang lasing na suspek at naghamon ng away.

Inawat ng biktima ang kanyang kompadre ngunit siya ang pinagbalingan at pinagsasaksak.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …