Thursday , June 4 2026

Drug suspect utas sa pulis Maynila (Sumusuko na binoga pa)

080214 hospital dead

“NAKATAAS na ang mga kamay at sumuko na pero binaril pa rin ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 10, ang mister ko.”

Ito ang reklamo sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ni Rochelle Biligan, 35, misis nang napatay na si Russel Biligan, 32, residente ng Kahilum II, Pandacan, Maynila

Idineklarang dead on arrival sa Manila Doctor’s Hospital dakong 10:30 a.m. kahapon si Biligan.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng isang sabungan sa Pandacan, Maynila dakong 9:30 .m. habang nagpapatupad ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng MPD-PS 10 na pinamumunuan ni Supt. Froilan Uy.

Ayon sa ginang, hinabol ng mga pulis ang kanyang mister dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga. Ngunit sumusuko na aniya ang kanyang mister habang nakataas ang mga kamay, binaril pa ng mga pulis.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …