Aries (April 18-May 13) Ang iyong emosyonal at intimate life ay posibleng magdulot ng lakas at sigla sa iyong katawan.
Taurus (May 13-June 21) Posibleng magkaroon ka ng interes sa pagpapahula upang mabatid ang kapalaran.
Gemini (June 21-July 20) Huwag paiiralin ang init ng ulo ngayon. Huwag ipipilit ang sariling katwiran kung mali naman.
Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi kritikal ang araw ngayon bagama’t ganito ang iyong nakikita.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Hindi sa pamamagitan ng pagseselos maipakikita ang iyong pagmamahal sa kapareha.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Mas higit na titibay ang samahan ng magkakapamilya ngayon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Nanaising lumayo mula upang makalimutan ang hindi magandang nangyari sa buhay.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi dapat paulanan ng mga regalo ang iba habang tinitipid naman ang sarili.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Makabubuting sundin mo ngayon ang iyong instinct. Makatutulong sa iyo ang pakikinig sa payo ng pamilya o mga kaibigan.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Imbes na magsaya dahil sa magagandang nangyari sa buhay, maaaring multuhin ka ng malungkot na nakaraan.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Maaaring maging boring ang mga makakasama mo ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring mangamba ka ngayon sa iyong posibleng magiging mga pagkakamali.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maipapayong dumistansya mula sa mga taong hindi ka komportableng makasama.
ni Lady Dee