Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P5-M hiniling para sa Luneta restoration (Sa pagtatapos ng Papal visit)

111314 pope francisHINILING ng pamunuan ng National Park Development Committe (NPDC) na namamahala ng Rizal Park sa lungsod ng Maynila, na dagdagan ng P5 milyon ang kanilang Miscellaneous and Other Operating Expenses (MOOE) upang magamit makaraan ang misa ni Pope Francis sa Enero 18, 2015 sa pagbisita niya sa bansa.

Ayon kay Engr. Eduardo Villalun, chief ng Planning and Management Division ng NPDC, inaasahan nila ang tambak na mga basurang lilinisin at pagkasira ng mga landscape pagkatapos ng malaking pagtitipon.

Sa lima hanggang anim na milyong tao na pupunta sa park, mahirap aniyang umasa na magiging disiplinado ang lahat upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng lugar kung kaya ang kanilang pamunuan na lamang ang bahala pagkatapos ng aktibidad.

Tanging paalala ng NPDC sa mga dadalo sa okasyon, ingatan ang kanilang mga importanteng gamit at pera upang huwag mabiktima ng mga magnanakaw.

Ang ganitong pagtitipon anila ang gustong samantalahin ng masasamang loob.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …