Monday , December 23 2024

Cebu Pac kasado vs pekeng sales agents (Sa tulong ng PNP)

103114 cebu pacificMAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippines’ leading airline, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para mahuli ang mga manggogoyo na umaakto bilang official sales agents ng Cebu Pacific at nagsasagawa ng pekeng transaksyon sa airline sa pamamagitan ng Facebook.

Isumite ng CEB ang mga pangalan, IP addresses at transaction details ng lahat ng reported fraudsters sa Philippine National Police para sa agarang aksyon, gayondin sa Facebook para sa agarang account termination.

Ginagamit ng fraudulent pages ang Cebu Pacific branding upang umaktong official transactions page para sa airline.

Humihingi rin ang mga manggogoyo ng bayad sa pamamagitan ng pag-remit sa specific individuals, at hindi sa Cebu Pacific.

Kapag nahuli at napatunayan sa paglabag sa Cybercrime Law (Republic Act No. 10175), ang mga manggogoyo ay maaaring makulong ng hanggang 12 taon at pagmumultahin ng P200,000.

Ang mga manggogoyo ay maaari rin panagutin sa iba pang paglabag sa iba pang penal laws.

“We encourage the travelling public to book their flights through the official Cebu Pacific Air website or reservation hotlines, and to transact with legitimate sales agents to prevent fraud and inconvenience. We are working closely with the PNP Anti-Cybercrime Group to protect our passengers from fraudsters whether online or in other channels,” pahayag ni Atty. Jorenz Tanada, Cebu Pacific Air, VP – Corporate Affairs.

Ang mga nais mag-report kaugnay sa mga manggogoyo ay maaaring tumawag sa PNP Anti-Cybercrime hotline: +6327230401 local 5313; or file a complaint via email: [email protected] or through their website: http://pnpacg.ph/

Para sa flight bookings and information sa CEB, maaaring bumisita www.cebupacificair.com o tumawag sa +(632)7020888 or +(6332)2308888.

Ang CEB’s authorized payment channels and instructions kung paano magbabayad para sa booking transactions ay makikita sa Cebu Pacific website: http://bit.ly/CEBPaymentChannels

GMG

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *