Thursday , June 4 2026

Legal assistance sa OFW itaas sa P100-M — Senators

112714 OFWsISINULONG nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Nancy Binay ang pagtataas sa P30 million legal assistance fund ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa overseas Filipino workers.

Ayon sa dalawang senador, dapat ipako sa P100 million ang alokasyon dahil patuloy na tumataas ang bilang ng OFWs na nagtatrabaho sa iba’t ibang bansa.

Binusisi rin ni Villar ang DFA kung ilang kaso ng mga OFW na ang naipanalo.

Nakababahala aniya na kung maliit ang pondo para sa legal assistance, posibleng hindi makakuha ng magagaling na mga abogado ang DFA kaya marami sa mga OFW ang natatalo sa kaso.

Para kay Binay, unfair na P30 milyon lamang ang ilaan sa legal assistance sa OFW gayong malaki ang naiambag nila sa ekonomiya ng bansa.

Base sa talaan ng DFA noong Hunyo 2014, aabot sa mahigit 6,000 OFWs ang nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa krimen.

Cynthia Martin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …