Thursday , June 4 2026

PSG, tserman ‘Life’ sa rape at human trafficking

112614_FRONTNATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo si Staff Sgt. Walter Candelaria ng Presidential Security Group (PSG), dahil sa panghahalay sa isang 16-anyos dalagita noong 2011.

Si Candelaria ay ‘guilty’ sa mga kasong paglabag sa RA 9208 o qualified trafficking in person at RA 7610 o Child Abuse.

Habambuhay din pagkabilanggo ang hatol kay Brgy. San Miguel Chairman Angel Murillo dahil sa kasong child trafficking.

Ang desisyon ay inilabas ni Presiding Judge Emily Gaspar Gito ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 5.

Ayon sa record ng korte, ginahasa ni Candelaria ang 16-anyos dalagita sa loob mismo ng PSG barracks.

Batay sa reklamo ng dalagita, dakong 11:30 p.m. noong Hunyo 21, 2011 nang lapitan siya ni Murillo at ibinugaw sa tatlong PSG na kasama niya kabilang na si Candelaria.

Pilit aniya siyang isinakay ng kotse at dinala sa barracks ng mga PSG at doon hinalay ni Candelaria.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …