WINAKASAN ng isang 22-anyos lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason makaraan komunsulta sa isang pastor tungkol sa kanyang problema kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jaymar Pingcas, walang asawa, production staff, at residente ng 34 Cadiz St., Brgy. Salvacion, Quezon City.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Manapat, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng Uniwide Sales sa Rizal Avenue Ext., Brgy. 22 ng nasabing lungsod.
Sinabi ni Anthony Macabro Jr., isang pastor ng Brgy. 153, Bagong Barrio, bago ang insidente, humihingi sa kanya ng payo ang biktima kaugnay sa mabigat niyang problema nang bigla na lamang tinungga ang laman ng dala niyang bote.
Nagulat na lamang ang pastor nang biglang mangisay ang biktima kaya isinugod niya sa pagamutan ngunit hindi nagawang isalba ng mga doktor.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
Rommel Sales