Thursday , June 4 2026

Mexican president ipinasalubong kay Kris Aquino

111514 kris aquino Mexican president

SINALUBONG ni Presidential sister Kris Aquino si Mexican President Enrique Peña Nieto nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Villamor Airbase.

Nanatili ang pangulo ng dalawang oras para magkarga ng langis sa kanilang eroplano bago tumulak pa-Australia para dumalo sa G20 Summit.

Si Kris ang inatasan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na mag-asikaso sa Pangulo ng Mexico dahil nasa biyahe pa ang presidente mula sa Myanmar nang dumating sa bansa si Nieto at asawang si Angelica Rivera.

Kwento ni Kris sa kanyang Instagram account, nanatili sa eroplano ang Mexican First Lady dahil masama ang pakiramdam.

Ani Queen of All Media, malaking karangalan para sa kanya ang salubungin ang grupo ni Nieto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …