Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Footage sa rapists in van hawak na ng pulisya

081314 rape fashion shootPOSIBLENG matukoy na ang mga suspek sa pagdukot at pagmolestiya sa dalawang estudyante at isang transgender, dahil hawak na ng task force na binuo ng Southern Police District Office (SPDO), ang CCTV footage sa naganap na mga insidente sa Makati City.

Bukod dito, may ilang posibleng lead na rin ang pulisya kaugnay sa serye nang pagdukot at panghahalay.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, magsasagawa ng case conference ang ilang PNP officials na kinabibilangan nina SPD Officer-In-Charge, Chief Supt. Henry Ranola Jr., at Sr. Supt. Ernesto Barlam, ng Makati City Women’s and Children Protection Desk ngayong araw (Nobyembre 13).

Darating din sa naturang case conference si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Carmelo Valmoria.

Ito ay upang talakayin ang update ng kaso ng mga biktima kabilang ang 14-anyos dalagita at 21-anyos estudyante.

Habang nanawagan ang pulisya sa biktimang transgender na magtungo sa himpilan ng pulisya sa Makati City upang magsampa ng reklamo sa mga dumukot at humalay sa kanya.

Matatandaan, nag-alok si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng halagang P200,000 bilang pabuya sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …