Thursday , June 4 2026

P2-M prohibited drug nasabat sa NAIA warehouse

111214 NAIA drugsTINATAYANG P2 milyong halaga ng prohibited drug ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) – NAIA sa pamumuno ni District Coll. Ed Macabeo sa Paircargo Warehouse.

Ayon kay BoC Enforcement and Security Service (ESS) Director Willie Tolentino, agad silang inatasan ni Coll. Macabeo na makipag-ugnayan sa PDEA nang matanggap ang intelligence report na may papasok na illegal na droga kaya binantayan nila ito.

Galing Pakistan ang narekober na mahigit 8,000 blister packs ng Alprazolam na maihahalintulad sa valium.

Idineklarang food supplement ang droga sa pagpasok sa bansa.

Nabatid na Enero 30 pa dumating ang nasabing illegal na droga at naka-address sa isang Jasmin Tamayo ng Garden City, Parañaque City. Binuksan ang kargamento dahil walang kumukuha mula sa warehouse.

GMG

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …