Thursday , June 4 2026

Mag-uutol brutal na pinatay sa ComVal (Dahil sa away lupa)

081314 bullet dead crimeDAVAO CITY – Patay na nang matagpuan ang apat lalaking pawang nakagapos at maraming sugat sa katawan sa Brgy. Aneslagan, Nabunturan Compostela Valley Province.

Kinilala ng Comval-PNP ang mga biktimang sina Ramil Quilaton, Ruel Quilaton, isang alyas “Opaw” at alyas “Dongkoy.”

Ayon sa Comval PNP, magkahiway nang natagpuan kamakalawa ng umaga ang bangkay ng mga biktima sa loob ng limang ektaryang lupa.

Unang natagpuan sa taniman ng lemon ang walang buhay na si Ramil na nakatali ang buong katawan at puno ng saksak at taga habang makaraan libutin ng mga awtoridad ang nasabing lupa ay sumunod na natagpuan ang magkakahiwalay na tatlo pang kasamahan na nakagapos at puno rin ng saksak at taga ang katawan.

Dagdag ni Insp. Zoilo Molles ng Comval PNP, brutal ang pagkakapatay sa mga biktima dahil wala silang kalaban-laban. Iginapos sila saka pinagsasaksak at pinagtataga.

Dagdag ni Molles, away sa lupa ang isa sa tinitingnang anggulo sa krimen dahil ang ama ng mga biktima na si Melecio Quilaton ang tumutulong sa mga gastusin sa kaso ng nasabing lupa.

Inatasan ni Melecio ang mga anak na sakahin ang lupa para makabawi sa nagastos sa kaso.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang mga salarin upang masampahan ng kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …