Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese businesswoman pinatay ng lover

090114 dead prisonSINAMPAHAN ng kasong murder ang isang Chinese national makaraan mapatay ang kanyang lover na Chinese businesswoman kamakalawa ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Jonathan Bautista ang suspek na si Benson Uy, 66-anyos, agad naaresto ng mga awtoridad.

Narekober ng pulisya mula sa suspek ang .45 kalibre baril na ginamit sa pagpatay sa biktimang si Jenny Lu, 42, may-asawa, at may-ari ng Lucky Power Glassware sa 459 Elcano St., panulukan ng Claro M. Recto Avenue, Tondo, at nanunuluyan sa 829 KP Tower sa Elcano St., sa Binondo, Maynila.

“Hindi pwedeng maging homicide kasi plinano niya dahil bago mangyari ‘yung pamamaril nakita siya sa labas ng tindahan na naninigarilyo pagkatapos pumasok siya sa tindahan pero bago iyon nakita na sinesenyasan ng biktima ‘yung suspek na umalis,” ayon kay SPO2 Bautista.

Nang pumasok ang suspek ay nagsalita ng wikang Chinese ang biktima at binato ng tsinelas ngunit bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan ang ginang.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …