ISANG nagsisiga-sigaan at nagpapakilalang katiwaldas ‘este katiwala raw ng natalong Konsehal na si LECHE ‘este CHE BORROMEO ng TASK FORCE ORGANIZED VENDING (TFOV) ang lubhang iniiyak at inirereklamo ng maralitang vendors sa Maynila.
Take note Yorme Erap dahil issue po ito ng maralitang vendors!
Hindi lang mga vendors sa Divisoria ang kinokolektong ni alias Nap maging sa Carriedo Quiapo, Blumentritt at Trabajo market ay ikot na ikot n’ya!?
Ang siste, isinasabay nitong si alias Nap ang mga tara y tangga sa mga vendors sa singil sa mga tent vendors.
P120-160 kada pobreng vendors ang sinisingil ni alias Naputsa ‘este’ Nap. Ito ba ay pumapasok sa kaban ng Maynila o sa bulsa ng amo niya!?
Pati ang mga huling nilagyan ng kubo/tent at cage/hawla na mga vendors sa A. Rivera St., ay hindi pinatawad ni alias Nap. Lumampas ka lang nang konti sa hawla ‘e sapol ka tiyak kay bagman Nap!
Naputsa ka talaga Nap!!!
Ang diskarte ng walanghiyang Nap ay doble-tara sa taryang P200-P300 kada vendor.
Ang nakadedesmaya pati raw ang Trabajo market na dating tahimik ay kinokotongan na rin ni alias Nap.
Ex-Konsuhol ‘este mali Konsehal Che Borromeo, may basbas mo ba ang pangongolektong ni alias Nap sa mga vendor!?
Paki-explian nga ‘ho!