TATLONG baby girl ang isinilang ng isang 21-anyos ginang sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Dakong 4:30 a.m. kahapon nang isilang ni Maria Teresa Madeja, ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite ang tatlong malulusog na sanggol sa caesarian section ng ospital.
Iprinesenta ng mga staff ng DJFMH mula sa Neo-natal Intensive Care Unit, sa mga photo journalist ang tatlong sanggol.
Papangalanan ni Maria Teresa ang mga sanggol bilang sina Josefina Matilde, Josefina Bonita at Josefina Santina. Ang pangalan ay hango kay San Jose na ibinigay ni Rosario Cavite Mayor Nonong Ricafrente na siyang tumulong kay Madeja at sa mister ni-yang si Jason para ma-dala sa hospital.
Sinabi ni Maria Teresa, panganay nilang mag-asawa ang triplets at wala siyang kamalay-malay na tatlo ang ipinagbubuntis niya dahil wala siyang abnormalidad na naramdaman sa kanyang katawan sa panahon ng kanyang pagbubuntis.
Aniya, hindi niya ina-asahan na mase-caesarian siya sa kanyang ipinagbubuntis.
Unang inakala ni Maria Teresa na quadruplets ang kanyang ipapanganak ngunit nakompirmang tatlo lamang base sa ultra sounds.
Nasa maayos nang kalagayan ngayon ang nanay maging ang tatlong baby girl.
Leonard Basilio