NAREKOBER na ng mga awtoridad ang bangkay ng isang lola na natabunan sa nangyaring landslide sa Brgy. San Roque, Calatrava sa lalawigan ng Romblon kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDR-RMC), natabunan ng lupa ang matanda habang hindi pa nakikita ang isang sanggol.
Nabatid na nakapagtala nang malakas na buhos ng ulan sa lugar bago nangyari ang pagguho ng lupa.