PATAY ang isang binatilyo na may kasong pagnanakaw makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa City of San Fernando, Pampanga.
Kinilala ni Provincial Director, Senior Supt. Ro-dolfo Recomono ang biktimang si Mariel Sembrano, 19, pansamantalang nakalaya dahil sa paglagak ng piyansa, residente ng Sitio 7, Brgy. Sto Niño ng nabanggit na siyudad.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 7:30 p.m. habang nakikipagkwentohan ang biktima sa ilang tambay nang biglang lumapit ang isang lalaki at dalawang beses na pinaputukan ang binatilyo na agad niyang ikinamatay.
Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na tumakas sakay ng motorsiklong walang plaka.
Raul Suscano