Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Philracom tinalakay sa board meeting ang isyu ng photo finish sa Metroturf

NAGAGALAK po ang inyong lingkod at nabigyang-pansin ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang nilalaman ng kolum natin noong Oktubre 18 dito sa KurotSundot na may titulong “ANO BA ITONG METRO TURF?”

Sa mga hindi nakabasa ng nasabing kolum, naglalaman ito ng puna ng inyong lingkod at ng mga racing aficionados na tumataya sa mga OTBs tungkol sa dikit na pagtatapos ng ilang kabayo na hindi idinadaan sa photo finish.

Actually, ilang beses na nating pinuna iyon sa ating kolum pero katwiran lang ng Metro Turf ay “hindi magiging batayan sa finish line ang napapanood sa aktuwal na takbuhan dahil may ibang camera na opisyal na kumukuha sa aktuwal na pagtatapos sa meta.”

Sa katwirang iyon ay hindi naresolbahan ang sinasabi nating problema dahil sa tuwing may dikit na pagtatapos sa isang karera ay nanghuhula ang mga mananaya kung photo ba ang laban o kung sino ang nanalo? Dahil sa tingin ng mga nakapanood sa monitor ng cable ay lamang ang nasa balya.   Maraming haka-haka na minsan tuloy ay nagreresulta ng maling hinala na niluluto ang resulta ng dikit na laban.

Maging ang mga panelist nga na nagkokober ng takbuhan ay hindi makapagsabi kung sino ang nanalo kapag may dikit na nagkatalo.

Given na ang camera na kumukuha ng aktuwal na laban ay saliwa sa sa finish line.   Malaki ang kalamangan ng nasa labas na kabayo. At minsan din nating pinayuhan dito sa ating kolum na i-adjust ang camera na kumukuha sa aktuwal na takbuhan para naman kahit kaunti ay mapantay doon sa camera na kumukuha ng photo finish.   Di ba’t ganoon ang napapanood ng mga racing aficionados sa Sta Ana Park at San Lazaro.   Halos may ideya na ang lahat kung sino ang nanalo kapag may dikit na nagkakatalo sa meta.   Iyon ang hindi magawa ng Metro Turf.

Sa kapakanan ng racing aficionados, narito ang email sa atin ng Philracom na may petsang Oktubre 19:

Dear Mr. Cruz,

Magandang Araw!

Patungkol sa article mong “Kurot Sundot” sa HATAW! Tabloid nakaraang   Oktubre 18, 2014, nais ipa-alam ng pamunuan ng Philippine Racing   Commission na sa susunod nitong Board Meeting na gaganapin sa Oktubre   22, 2014, tatalakayin ang iyong puna ukol sa “Photo Finish” issue ng   Metro Turf.

Ipatatawag ng Komisyon ang Board of Stewards pati na ang Racing Manager ng MMTCI upang magbigay linaw sa nasabing issue.

Makakaasa ang Bayang Karerista sa nararapat at napapanahong aksyon ng   Komisyon.

Maraming salamat at mabuhay ka!

Para sa Komisyon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …