Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Libreng Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text

102114 FREE NET

LIBRE na ang Internet sa Smart, Sun at Talk ‘N Text nang hindi mababawasan ang load ng subscriber.
Sa bagong promo, ang mga prepaid, postpaid, at broadband subscribers ay makakukuha ng 30MB na libreng Internet access sa loob ng isang araw na mayroong seguridad.

Upang makuha ang promo, i-text ang FREE sa 9999 at makatatanggap ng noification na naka-enroll na rito.

Maraming magagawa gamit ang libreng Internet subscription gaya ng pagbisita sa paboritong social networking sites na Twitter, Instagram, at iba pa. Maaari rin mag-stream ng music gamit ang Spinnr, mamili online o maghanap ng impormasyon gamit ang Google at iba pang search engines, at magpadala at tumanggap ng e-mail hanggang P1 na natitira sa iyong load.

Higit sa libreng 30MB Internet promo araw-araw, maaari rin magamit ang Facebook, Facebook Messenger at manood ng videos sa FB – nang walang limit o “unli.”

Maaaring magparehistro uli kinabukasan upang ma-gamit uli ang libreng 30MB sa susunod na araw.

Kapag nagamit na ang 30MB sa pagsu-surf ay ma-kikita ang web page na magsasabing tapos na ang libreng Internet session. Dito ay tatanungin kung nais mong ipagpatuloy ang paggamit ng mobile Internet, at makikita ang iba’t ibang Internet bundles na maaaring pagpilian. Ang web page na ito ay tinatawag na pay wall, na pinapagana ng Safe Zone technology ng Smart.

Hindi kabilang sa libreng Internet offer ang pag-download at panonood ng videos (maliban sa mga videos na panonoorin sa Facebook), paggamit ng peer-to-peer file sharing apps tulad ng Bittorrent, paggamit ng VOIP apps tulad ng Facetime at Viber, at ng messaging apps tulad ng Line, WeChat, at Whatsapp (maliban sa Facebook Messenger). May kaukulang regular data charges ang paggamit ng nasabing mga serbisyong.

Hindi ito isinama sa Free Internet promo upang mapangasiwaan ng network ang data volume at patuloy na makapagbigay ng masa-yang Internet experience sa customers.

Maaari rin ma-experience ng subscribers ang Free Internet offer sa mga data-capable feature phones o mga smartphone na umaandar sa Android, iOS, at Windows operating systems.

Ang promo ay hanggang Enero 5, 2015.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …