Thursday , June 4 2026

Binatilyo kritikal sa bugbog, saksak

102114 TONDOGEN KNIFE
KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos binatilyo makaraan pagtulungang bugbugin at saksakin ng isang grupo ng kabataan habang inihahatid ang kanyang kasintahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Julas Saldasal, residente ng 118 Valdez St., Brgy. 21, Caloocan City.
Sa ulat ni PO2 Roldan Angeles, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente sa Governor Pascual Avenue ng nasabing lungsod.
nihahatid ng biktima ang kanyang kasintahan mula sa pagsisimba ngunit pagsapit sa na-sabing lugar ay sinalubong sila ng isang grupo ng mga kabataan at kinuyog ang binatilyo.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at tatlong beses na sinaksak ang biktima sa likod saka mabilis na tumakas ang mga salarin.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …