Saturday , May 18 2024

Trike driver tigok sa sarap


101814 dead sex

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang tricycle driver makaraan atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Malolos City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Felicisimo Tolentino, 59, residente ng Wawa St., Brgy. San Sebastian, bayan ng Hagonoy, sa naturang lalawigan.

Ayon sa imbestigasyon ng Malolos City Police, nag-check-in si Tolentino kasama ang isang hindi nakilalang babae sa Busy Homes Apartelle.

Nang malapit nang matapos ang oras na kinuha ng biktima, kinatok ng roomboy ang kwarto ng dalawa ngunit walang sumasagot kaya sapilitang binuksan.

Sa puntong ito, bumulaga sa kanila ang biktima na walang malay habang nakahiga sa kama ngunit wala na sa kwarto ang kasama niyang babae.

Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan sa lungsod ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga manggagamot. Pinaniniwalaan ng pulisya na tumakas ang babae at iniwan ang biktimang hinihinalang inatake sa puso habang kainitan ng kanilang pagtatalik.

(MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *