Thursday , June 4 2026

Nagreklamo pinatay ni tserman sa brgy. hall

072814 gun

AGAD binawian ng buhay sa loob ng barangay hall ang isang lalaking complainant makaraan barilin ng chairman nang humantong sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap kaugnay sa idinulog na reklamo ng biktima kaugnay sa kanilang kapitbahay sa Brgy. Gumaok Central, Lungsod ng San Jose del Monte City, Bulacan, kahapon ng madaling araw

Tinamaan ng bala sa ulo ang biktimang si Edwin Rosales, 28, habang pinaghahanap ang suspek na si Barangay Chairman Alfredo Manares.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagsadya ang biktima sa barangay hall upang ireklamo ang insidente pagbalibag sa kanila ng bote ng isa nilang kapitbahay.

Ngunit napikon ang suspek kaya bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang biktima.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …